Pangako…

Sa mga pagkakataong sinambit ng iyong bibig ang katagang “Hindi kita iiwan”

Lubos ko iyong pinaniwalaan. Sa kadahilanang ito ay iyong pahahalagahan. At umaasang tutuparin kailanman. Subalit sa paglipas ng panahon, tila ba nararamdaman sa akin ay tinangay na ng alon. Nanlamig sa rasong di naaayon. Pinagsamahan natin ay agad na lamang itinapon. Nais kong isigaw na nasasaktan ako! Naiinis dahil nangarap na hanggang dulo meron paring tayo. Naiinis dahil may sakit parin sa dibdib ko. At nakikita kong tila wala nalang sayo. Ngunit kung muling pagtatagpuin balang araw, Kung saan parehas na magkaiba na tayo ng bawat pananaw. At mabigyan ng pagkakataong sa nakaraan ay dumalaw. Nais kong sambitin, ang pipiliin ko ay ikaw parin.

 

Advertisements

BIGLA NA LANG NAWALA

MARAHIL NOON MASAYA TAYO

MARAHIL NOON AY MAHAL PA KITA

BAKIT NGA BA? BAKIT NGA BA KITA MAHAL? NA KAHIT ISANG BESES AY HINDI KO NARAMDAMAN NA MAHAL MO RIN AKO

BAKIT PA KAILANGAN LIMUSIN ANG PAGMAMAHAL?

BAKIT KAILANGAN PANG MERON NAG DURUSA ?

BAKIT?

ILAN LANG YAN SA MGA TANONG KO NA HINDI KO DIN ALAM ANG TAMANG SAGOT

IBINIGAY LAHAT..

KAHIT HINDI KO KAYANG GAWIN

GINAWANG IMPOSIBLE PARA SAYO

DAHIL MAHAL KITA

 

DI KO INASAHANG HAHANTONG SA SASAKTAN MO AKO

AKALA KO

AKALA KO..

AKALA KO LANG PALA LAHAT

 

KATULAD KA DIN NILA

MARAHIL NGAYON AY WALA NANG NATITIRA PANG PAGMAMAHAL NGAYON SA PUSO KO

 

BIGLA NA LANG NAWALA..

Tiwala

Noong una, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako magtitiwala sa kahit na sino

Hanggang sa dumating ka sa buhay ko

Tinuruan mo ako kung paano magtiwala muli

Ipinakita na hindi lahat ng lalaki ay manloloko

Kakaiba ka nakuha mo ang tiwala ko

Ngunit, ito na naman ako nag iisip ng kung ano ano tinutubuan na naman ng masasamang imahinasyon

Bawat galaw ay iniisipan ng masama

Ngunit bakit nga ba?

Hindi ba dapat ay panatag na ako sayo?

Bakit nakakaramdam pa rin ng hinala sa aking dibdib?

Kung tunay nga ang pinapakita mo

Kailangan mo muling bumalik sa umpisa na kung paano mo ipinakilala muli sa akin ang salitang

TIWALA

 

Hanggang sa wala na akong maramdaman

Magpapaka pagod ako hanggang sa hindi ko na ulit maramdaman ang sakit na dulot ng pagdating mo

Magpapaka pagod ako hanggang sa mamanhid sa lahat ng pambabalewala mo

Magpapaka pagod ako hanggang sa makalimutan kong mahal kita

Magpapaka pagod ako at mag uubos ng oras sa ibang bagay upang hindi ko mapansin na mas mahalaga sila

Magpapaka pagod ako hanggang sa hindi na kita makilala

At oo, Papagurin ko ang sarili ko hanggang sa mawala na yung pakialam ko sayo kagaya nang ginagawa mo ngayon

Sa lahat ng pagod ako lang ang hindi napagod na mahalin ka

Hindi kagaya mo na pagkatapos mapagod titigil na lang bigla

Kaya

Magpapaka pagod ako gaya ng ginagawa mo hanggang sa makalimutan kong mahal kita

Ikaw naman, pwede ba?

Minsan naiisip ko kung paano kaya kapag ikaw naman yung naging ako, tapos ako naman yung maging ikaw?

Ikaw naman yung makakaramdam nang sakit na nararamdaman ko ngayon

Ikaw naman yung mag iisip nang mga dahilan kung bakit nagka ganoon..

Ikaw naman ang makakaramdam ng sakit na idinulot mo sa akin noong iniwan mo ako

Ikaw naman yung mangungulit at magsasabi sa akin na ako ay mahal mo

Parang awa mo na, Kahit ngayon lang ikaw muna, ikaw naman ang magsabi ng “pwede ba tayong magka ayos?”

Ikaw naman ang magtetext ng mga kabaduyan ko sayo noon, Para lang masabi mo na “Mahal mo ako”

Kaya mahal kahit ngayon lang pwede bang ikaw naman?

Bagong Kaibigan

Marami nang nagdaan, nang iwan, nagbago, pero may mga tao na darating pa sa atin upang bigyan ng kulay muli ang ating mundo, magbibigay sigla sa madilim nating kahapon.

Noong nakaraang linggo, napagpasyahan namin na magkita ng bago kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Wie, lubos akong natutuwa sa kanyang pagkatao sa kadahilanang may pagkakapareho kami ng mga gusto o pag uugali. Siya ay may kakaibang mata rin sa mundo kagaya ko, hindi tinitingnan ang dungis ng isang tao. Inaya niya ko na magpunta sa PICC Manila. At doon ay kumuha kami ng larawan nang mga kalahok sa “Aliwan Fiesta” kumain ng “Pares”sa tabi ng kalsada sa PICC Manila(Roxas Blvrd) nakakatuwa, na kahit pala hindi ako maging isang ginto na kumikinang sa mata ng tao, ay may makakatanggap pa rin sa akin. Isang bagay na lubos kong ipinagpapasalamat sa isang bagong kaibigan. Salamat! Salamat! Marami pa tayong masayang pagsasamahan sa darating pang mga araw, linggo, buwan at taon. Pangako.

Maling akala..

Lahat tayo ay dumadating sa punto na akala mo ay siya na. Pero nalaman mo na, Hindi pa pala.

Simula noong dumating ka sa buhay ko, Napakarami na nang nagbago.Binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo. Napapasaya mo palagi ang puso ko.

Hindi ko alam kung anong meron ka.Na kahit kailan hindi ko nakita sa iba.Natatanging sigla ang dala-dala mo, dahil sayo ako’y sumasaya. Lumipas ang ilang Linggo, biglang nagbago ang aking pananaw. Ayoko nang umibig sa kahit sinong lalaki. Sa kanilang lahat wala akong paki.Matagal ko ring iningatan ang sumpang iyon,Iningatan sa napakahabang panahon.Pero sa hindi inaasahang pagkakataon,Parang ang sumpa’y dapat nang ibaon.Hindi ko na pala namamalayan, na iba na ang sanhi ng aking kaligayahan.Akala ko, isa ka lang mabuting kaibigan,Pero ang mahalin ka’y unti-unti kong natututunan. Hindi ko gustong ito’y aminin sa sarili, baka lahat nang ito’y isang pagkakamali. Sa pag-ibig, ayokong sumugal, Pero ang tototo, ikaw ay aking mahal. Binago mo halos buong pagkatao ko. Parang nilalang na nag-iba ng anyo.Labis na kagalakan ang aking nadama. Sapagkat akoy’ pinapasaya mo sinta. Araw-araw, gusto kitang makita,Hangad ko lagi ay makasama ka.Sapagkat alam na alam ko na,Sa akin, ikaw ang itinadhana.Kapag nalulungkot ako?Andyan ka para sumaklolo,Kapag ako’y nalilito?Andyan ka’t pinapanatag ang loob ko.Ang saya ko kasi nakilala kita.Pero mas masaya ako kasi minahal kita.Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito,Hindi mapantayaan ang pag-ibig sa puso ko. Pero sadyang mapagbiro ang kapalaran. Nagbago ang lahat sa di malamang dahilan. Unti-unti tayo’y nagkakalabuan. Nawala ang lahat sa di malamang dahilan. Nais kong malaman ang mga kasagutan. Ngunit ako’y nakadama ng pagkatakot. Ang daming tanong sa aking isipan. Ako’y naguguluhan kahit sa panaginip, umalis ka nang di nagpapaalam, at ito ay labis kong dinamdam. Maraming luha ang pumatak sa aking mga mata. Sapagkat iniwan mo akong nag-iisa.Naalala mo noon?

Sabi mo tahan na,  “nandito lang ako” Pero alam mo ngayon? Sabi mo, tahan na, “makakalimutan mo rin ako”. May nagawa ba akong mali sa’yo? O pag-ibig ay naglaho na lamang bigla sa puso mo? Wala akong sagot na makukuha mula sa’yo. Sapagkat ako’y tinalikuran at itinaboy mo.Salamat sa panahon na nasa akin ka, Ngayon, ay pinapalaya na kita.Salamat sa panahon at sa oras. Pag-iibigan natin dito na magwawakas. Sayang ang lahat ng alaala natin. Ngunit ang maging matatag, ay aking kakayanin. Sana’y maging masaya ka ngayon.Hihilom din ang sugat, pagdating ng panahon. Mahal na mahal kita, Sa puso ko, di ka mapapalitan. Ngunit marapat na ikaw ay aking pakawalan. Para mahanap mo ang ‘yong tunay na kaligayahan.Akala ko talaga ay ikaw na, Pero napagtanto kong hindi pa pala. Akala ko talaga, ay tayo na. Subalit tayo’y hindi para sa isa’t isa. Tadhana nga naman.